Hindi na rin ito gaanong mararamdaman sa pagputok ng do-or-die match sa pagitan ng nag-dedepensang kampeong Ateneo De Manila University at ng karibal nitong De La Salle University ngayong alas-3 ng hapon sa playoff match ng 66th UAAP mens basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Pipilitin ng Blue Eagles na muling makapasok sa best-of-three championship series kagaya ng layunin ng Green Archers.
Tinalo ng La Salle ang Ateneo sa bisa ng over-time, 76-72 na nagtam-pok sa bench-clearing mula sa insidenteng kinasasangkutan nina LA Tenorio at Badjie del Rosario ng Blue Eagles at Ryan Araña ng Green Archers sa huling 1:31 ng final canto.
At sa pagkawala nina Tenorio at del Rosario, umaasa si coach Joel Banal na may sasalo sa iniwang trabaho ng dalawa sa kampo ng Loyola-based dribblers.
"Everybody must step up, particularly on the backcourt because of the absence of LA and Badjie," sabi ni Banal. "But well be ready tomorrow (ngayon) against La Salle."
Kung nawala man si Araña dahilan sa one-game suspension, ang pagbabalik naman ni Mark Cardona ang magbibigay sa tropa ni Franz Pumaren ng sapat na lakas.
"Well try to beat them again for us to make it to the championship," sambit ni Pumaren, gumiya sa Green Archers sa fourward noong 1998 hanggang 2001. (Ulat ni MRepizo)