Araña,Tenorio suspendido

Kapwa sinuspinde ng tig-isang laro sina ace Ateneo de Manila University playmaker LA Tenorio at De La Salle University swingman Ryan Araña dahil sa pagkakasangkot sa gulo noong Huwebes sa Blue Eagles-Green Archers final four game sa UAAP men’s basketball semifinal match na nagpagwagian ng Green Archers, 76-72 sa Ara-neta Coliseum.

Bukod kina Tenorio at Araña, sinuspindi din sina Badjie del Rosario at coaching staff member Bob Marquisias ng Ateneo at De La Salle team manager Manny Salgado, na kapwa sumugod sa loob ng court.

Batay sa rekomendasyon ng technical committee na pinamumunuan ni Francis Carlos Diaz ng University of the Philippines at com-missioner Joe Lipa, inaprobahan ng UAAP board ang suspensiyon sa mga manlalaro matapos ang emergency meeting sa Mario’s sa Tomas Morato sa Quezon City.

Si Tenorio ay nasuspinde dahil sa punching foul kay Jerwin Gaco sa isang loose ball sa final two minutes ng regulation. Ang foul ay ginawa sa harap mismo ng Ateneo bench na naging dahilan upang tumayo ang lahat ng nasa bench at makihalo sa gulo maging ang mga ilang alumni ng dalawang kampo na nagkasagutan.

Ang suspensiyon naman ni Araña ay bunga ng batas ng liga na kapag ang player ay napatalsik awtomatiko na itong masususpindi. Sinipa ni Araña si Wesley Gonza-les na nagtangkang tumulong. Na-thrown out din si Magnum Membrere ngunit hindi napatalsik nang aminin ng reperi na napagkamalan lang pala siya na si Del Rosario.

Ang mga nasuspindi ay hindi maaaring makapasok sa loob ng Arane-ta Coliseum sa semifinal winner-take-all game nila sa Martes simula sa alas-3 ng hapon.

Show comments