National Open Sepak Takraw sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA--Pormal na binuksan ni Mayor Edward Hagedorn noong Linggo ng hapon ang pagbubukas ng 2003 National Open Men’s and Women’s Sepak Takraw Championships and 21-Below Nationals dito.

Ang Puerto Princesa sa ilalim ng liderato ni Mayor Edward Hagedorn ay ilang beses ng nag-host ng national sports events na kinabibilangan ng third editions ng Batang Pinoy, BIMP-EAGA Friendship Games, national boxing open at national skateboard championship.

Sisimulan ngayong araw ang hostilidad ng nasabing tournament na nilahukan ng mahigit sa 200 atleta na kumatawan sa 46 koponan mula sa buong bansa.

Show comments