Reyes, talsik na rin sa US Open 9-Ball

Hindi na naman masaya ang araw para sa mga Pinoy.

Ang huling taong nakatayo na si Efren ‘Bata’ Reyes ay lumasap ng masakit na 11-10 kabiguan kay Fabio Petroni sa loser’s bracket at makasama ang matalik na kaibigang si Francisco ‘Django’ Busta-mante, Jose ‘Amang’ Parica at Santos Sambajon na manood na lamang sa Chesapeake Conference Center sa Virginia.

Matapos ang isang matagumpay na showdown sa winner’s side ng round-of-16 kontra kung saan tinalo ni Reyes si Bustamante,11-10, tila naubusan na ang dalawang manlalaro at kapwa lumasap ng kani-kanilang kabiguan para mawala sa kontensiyon.

Natalo si Reyes kay Rodney Morris 11-8 para bumaba sa loser’s side ngunit nanatiling may pag-asa makaraang pataubin si George San Souci 11-3 para makapasok sa loser’s final sa Bracket B kontra kay Petroni na namayani naman kay Nick Varner, 11-8.

Tinalo naman ni Varner si Bustamante 11-8.

Si Sambajon na pumasok sa loser’s bracket nang daigin ni Bustamante, ay nanaig naman kay Donnie Mills11-6 at Luc Salvas 11-10 ngunit tuluyang napatalsik nang igupo ni George San Souci 11-8.

Show comments