NBA Slam Dunk King gustong maglaro sa PBA

Handa at gustong maglaro ni dating NBA slam dunk champion Isaiah Rider sa PBA bagamat ang pinakamalaking maibibigay na suweldo sa kanya ay $14,000 kada buwan na masyadong mababa sa kanyang suweldo noong nakikipagsabayan pa ito kina Shaquille O’Neal, at Kobe Bryant.

Ngunit ang tanong? Mayroon bang PBA teams na interesadong kumuha sa kanya?

Ang 6’5 shooting guard na piniling pang-lima sa pangkalahatang 1994 NBA Draft ng Minnesota Timberwolves ay may reputasyong "bad boy’.

"He is available and he wants to play. I can bring him over," ani US-based player agent Sam Unera na responsable sa pagdala kay ex-Chicago Bull Scott Burrell sa Red Bull Barako. "Kahit mababa ang salary, okay lang. All he wants is a second chance." (Ulat ni ACZaldivar)

Show comments