^

PSN Palaro

Lina, bagong pangulo ng cycling association

-
Nahalal ang Team Bert Lina kasama ang 10 iba pa sa board ng national federation of cycling noong Linggo, at asahan na ang mga development na maaaring mangyari sa Philippine cycling sa mga pangangailangan nito.

Sina Lina, chairman ng Air21 na siyang nagtaguyod ng muling pagbuhay ng tanyag na Tour, kasama ang kanyang team na binubuo nina back-to-back Tour champions Cornelio Padilla Jr., at Paquito Rivas, Arthur Cayabyab at Jun Lomibao na kabilang sa 15-man board ay magseserbisyo ng termino ng one Olympic cycle o apat na taon.

Ang iba pang nahalal ay sina Leo Magaway, Antonio Cruz, Fred Corda, Armando Bautista, Jose Ferrer, Carlos Gredonia, Armando Camiling at Col. (ret.) Romeo Modelo na pawang nagsitakbo sa ilalim ng unity ticket na kinabibilangan ng Lina team at independent candidates Alberto Garcia at Jojo Villa.

Sinaksihan ni Dato’ Seri G. Darshan Singh, ang Malaysian president ng Asian Cycling Confederation (ACC) at miyembro ng management committee ng Union Cycliste Internationale (UCI) ang ginanap na halalan sa multi-purpose gym ng Amoranto Stadium sa Quezon City.

Dumaan din si Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit sa ginanap na elections na nilahukan ng 206 cycling clubs sa buong bansa.

Kumpiyansa na ang Philippine cycling ay magkakaroon ng panibagong buhay kaya’t ginarantiyahan ni Darshan ang bansa na bigyan ng karapatan na maging punong abala sa Asian Mountain Bike Championships sa 2004. Ang nasabing championships ay taunang idinadaos kung saan ang 2003 edisyon na humakot ng 18 mula sa 37 miyembrong bansa ng ACC ay nakatakdang magsimula sa susunod na linggo sa Japan.

vuukle comment

ALBERTO GARCIA

AMORANTO STADIUM

ANTONIO CRUZ

ARMANDO BAUTISTA

ARMANDO CAMILING

ARTHUR CAYABYAB

ASIAN CYCLING CONFEDERATION

ASIAN MOUNTAIN BIKE CHAMPIONSHIPS

CARLOS GREDONIA

CELSO DAYRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with