^

PSN Palaro

Bong Hawkins gusto nang maglaro

-
Gusto na lamang ni Bong Hawkins sa ngayon ay makapaglaro na at maibalik ang kanyang basketball career.

At kung ito lang, nais ng kampo ni Hawkins na makipag-areglo sa FedEx kung saan hindi pa natatapos ang kanyang problema.

Si Hawkins ay sinamahan ng kanyang manager na si Danny Espiritu sa PSA Sports Forum at sinabing malamang matapos na ang mga problema sa isang linggo.

"We’re very friendly in our talks with FedEx, so in a matter of 10 days matatapos na ito," ani Espiritu. "Gustung-gusto na rin naman kasing maglaro ni Bong."

"Ang gusto ko lang naman talaga ay maglaro," dagdag ni Hawkins. "Kaya mas maganda sigurong may settlement na."

Ang nalalabing dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng P9.5M sa FedEX na minana nila nang bilhin nila ang prangkisa ng nagdisbandang Tanduay ang hindi maayos na problema ni Hawkins.

Wala ring naging desisyon ang PBA Board of Governors tungkol sa kaso na nagpuwersa sa Air21 management na humingi ng legal opinyon sa labas ng liga at sinabing bahala na ang korte ang magde-sisyon.

Gayunpaman, malamang na hindi na rin umabot sa korte ito makaraang magsumite ng sulat sina Hawkins at Espiritu kay PBA commissioner Noli Eala na handa na silang makipag-areglo sa FedEx. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BOARD OF GOVERNORS

BONG HAWKINS

DANNY ESPIRITU

DINA MARIE VILLENA

ESPIRITU

GAYUNPAMAN

NOLI EALA

SI HAWKINS

SPORTS FORUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with