Reyes bigo sa World Pool Masters
September 2, 2003 | 12:00am
Inilatag ni Tony Drago ng Malta ang kanyang kredensiyal bilang world-class pool player nang daigin niya si Huikai Hsia ng Chinese-Taipei, 8-6 at isukbit ang World Pool Masters title sa tensiyonadong bakbakan sa punong-punong Hotel Zuiderduin sa Egmond Aan Zee, Holland.
Hindi naman naging masuwerte ang pambato ng bansa na si Efren Bata Reyes na tinalo ng mahigpit niyang karibal na si Earl Strickland sa tinaguriang Clash of the Titans quarterfinal match.
Puno ang loob ng hotel nang pumasok sina Reyes at Strickland.
Unang binasag ni Reyes ang katahimikan tungo sa 3-0 abante.
Ngunit nabigyan ng pagkakataon si Strickland na maka-runout nang sinadya ni Reyes na ma-scratch pagtatangka nitong itago ang cue ball at nagawang itabla ng Amerikano ang laro sa 3-3.
Kinamada ni Strickland ang tatlong sunod na racks para tumalon sa 6-3 abante bago humatak ng isa si Reyes, 6-4.
Ngunit nakita na lamang ni Reyes ang sarili na parang baguhan ma-karaan ang break at makipagpalitan ng safeties ngunit isang mahu-say na cross bank sa 1-ball ang itinakda ni Strickland para sa 7-6 abante.
Sa kabilang dako naman isang sensational performance ang ipina-malas ni Hsia nang ibagsak si World Pool champion Thorsten Hohmann 8-0 bago pinatalsik si Alex Lely sa semifinals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended