^

PSN Palaro

2003 Palaro inaasahang matutuloy

-
Inaasahan na tuluyan ng maidaraos ang 2003 Palarong Pambansa makaraang ihayag kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pansamantalang petsa ng pagsasagawa ng premiere school-based national competition sa bansa sa Oct. 5-12 sa Tubod, Lanao del Norte.

"Preparations have now shifted to high gear and all the various committees, which have already be set up since early part of this year, are now being put back in place," pahayag ni PSC Chairman Eric Buhain. "The staging of this year’s Palaro is in line with President Gloria Macapagal Arroyo’s Mindanao national initiative (Mindanao Natin) agenda."

Idinagdag pa ni Buhain na naghahanda na ang PSC na idaos ang nasabing meet. "We can stage this year’s Palaro in October and we are ready."

Ayon kay Buhain, binigyan na ni Pangulong Arroyo, na 100 per-cent na nasa likod ng tagumpay ng Palaro ng go-signal na isagawa ang Palaro base na rin sa peace and order situation na nagaganap sa pagitan ng kasalukuyang negosasyon para sa Mindanao region at sa kahandaan na rin ng PSC at ng lahat ng kalahok.

At dahil sa nakakaseguro na rin sa seguridad na pinaiiral sa lugar ng Lanao del Norte, hinihikayat ni Buhain na lumahok ang 17 rehiyon ng bansa sa Palarong Pambansa.

"This is sports and we’re apolitical. The staging of the Palaro in Mindanao is expected to be a unifying factor for Christians and Muslims because this is primarily for the youth and the whole of the Mindanao region," ani pa ni Buhain.

Inimbitahan si Pangulong Arroyo na dumalo sa opening ng Palaro kung saan aabot sa mahigit 8,000 atleta at opisyal ang dadalo.

BUHAIN

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

CHRISTIANS AND MUSLIMS

LANAO

MINDANAO

MINDANAO NATIN

PALARO

PALARONG PAMBANSA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with