^

PSN Palaro

SSC Stags nagsiguro na sa NCAA Basketball Tournament

-
Siniguro ng defending champion San Sebastian College ang isa sa apat na upuan sa Final Four nang kanilang hiyain ang Jose Rizal University, 83-76 kahapon sa pagpapatuloy ng 79th NCAA men’s basketball championship sa Rizal Memorial Coliseum.

Pinagtulungan nina Pep Moore at Leomar Najorda ang opensa ng Stags nang humataw ng double-double upang sakmalin ang ikawalong panalo na naglagay sa kanila sa solong liderato.

Hawak ng Stags ang trangko sa 12 puntos na kalamangan 44-32 sa pagtiklop ng halftime.

Subalit sa pagputok ng third canto, umigkas ang Heavy Bombers sa pangunguna ni Waynes John Te na gumuhit ng 19 puntos para trangkuhan ang JRU katulong sina McDonald Santos at Mark Borboran upang ibaba ang kalamangan sa limang puntos, 65-60 pa-pasok sa final na yugtong labanan.

Ngunit agad din nagising ang Stags at nagpakitang gilas si Redentor Vicente na nagsalpak ng anim mula sa kanyang pitong marka sa krusiyal na 12-7 run na muling naghatid sa Recto-based dribblers sa 77-67 kalamangan may 4:24 ang nasa tikada.

Sa junior game, pinataob din ng Staglets ang Light Bombers, 98-84. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LEOMAR NAJORDA

LIGHT BOMBERS

MARIBETH REPIZO

MARK BORBORAN

PEP MOORE

REDENTOR VICENTE

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with