Ito ang unang reaksiyon makaraang mabatid ng kasalukuyang IBF junior featherweight champion na si Manny Pacquiao na tuloy na ang kanyang pakikipagsagupa sa Peoples Champion, featherweight na si Marco Antonio Barrera sa November 15.
Kapwa ibig nina Pacquiao at Barrera na magkaharap sa isat isa, habang sa parte naman ng HBO na ito ang pinakamalaking laban ng dekada sa pagitan ng dalawang matikas na fighters na kapwa may pamatay na suntok.
Marami ang indikasyon na ang nasabing laban ay maaaring ganapin sa San Antonio, Texas at ito ay katatampukan ng 12 rounds.
"This has fight of the year written all over it," ani ng kilalang kulumnistang si Dan Rafael ng USA Today, ilang saglit matapos na ihayag ang nasabing laban sa CBS Sportsline website.
Sa kasalukuyan, si Pacquiao ay sumasailalim sa isang magaang na training sa kanyang bayan sa General Santos City na ayon sa boksi-ngero, lubos ang kanyang kasiyahan dahil matutuloy na rin ang labang ito na matagal na niyang pangarap.
At ng tanungin kung ano ang kanyang tsansa kontra sa hard-hitting featherweight king, sumagot si Pacquiao ng kanya itong tatalunin upang maipakita sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tama siya ng kanyang sabihin na malakas ang Filipino.
Kinumpirma naman ng business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario na kababalik lang sa Manila noong Linggo ang nasabing laban na tatawaging Peoples Championship.
Nakatakda namang makipagkita ang promoter na si Murad Muham-mad sa mga IBF opisyal ngayong linggo upang aprobahan ang Barrera fight kung saan nauna ng lumagda si Pacquiao na ganapin ang mandatory title defense kontra sa top-rated contender Jose Luis Valbuena sa loob ng 90-araw ng title defense laban naman sa walang talong si Emmanuel Lucero.