^

PSN Palaro

164 bowlers maglalaban laban para maging kinatawn sa 39th Bowling World Cup

-
Umabot sa 164 bowlers--82 sa lalaki at 82 sa babae-- ang maglalaban-laban para sa karapatang kumatawan sa Philippines sa 39th Bowling World Cup international competition sa Honduras sa pagsisimula ng national finals ngayon at bukas sa EDSA Lanes.

Ang mga women’s bowler ay magrorolyo ng 10 games ngayon, habang ang mga lalaki ay magpapagulong ng 12 games bukas.

Ang top 28 ladies at 28 men base sa kanilang kabuuang pinfalls ang siyang uusad sa second round sa Miyerkules, Aug. 20 sa SM Megamall Center. At ang kani-kanilang iskor ang siyang magdadala sa kanila. Ang men at ladies bowlers ay lalaro ng 12 at 10 games o higit pa upang madetermina ang top eight sa bawat division na lalahok sa quarterfinals, semi-finals at finals sa Biyernes, Aug. 22 sa Bowling Inn.

Ang quarters, semis at finals ay isang best-of-three, head-to-head matches na ang pairings ay madedetermina sa pamamagitan ng rankings ng mga bowlers makaraan ang ikalawang araw ng competitions.

Ang men’s at ladies champion ang magdadala ng bandila ng bansa international finals na nakatakda sa Sept. 27 hanggang Oct. 4 sa Planet Sipango sa Tegucigalpa, Honduras.

Huling kumampanya sina C.J. Suarez at Jojo Canare sa international finals sa Riga, Latvia noong nakaraang taon.

BIYERNES

BOWLING INN

BOWLING WORLD CUP

FINALS

HULING

JOJO CANARE

MEGAMALL CENTER

MIYERKULES

PLANET SIPANGO

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with