Umakyat sa finals si Bustamante makaraang gapiin ang English cham-pion na si Daryl Peach, 7-3 noong Miyerkules para makaharap naman ang kababayang si Efren Bata Reyes sa semis.
Naging masuwerte si Bustamante kontra sa kumpare at kababayang si Reyes makaraang igupo ito sa 5-3, 5-1 noong Huwebes para makuha ang isang puwesto sa finals.
Sa kabilang dako, umusad naman sa finals ang kanyang nakalaban na si Canadian 9-ball champion John Horsfall nang mamayani ito kay Ralf Souquet, 7-5 at biktimahin din si Earl Strickland .
Nakipaghatian si Horsfall kay Strickland sa dalawang sets at winasak at itakas ang rack sa tie-breaker para sa tagum-pay at karapatang makalaban si Bustamante sa finals.
Napagwagian naman ni Bustamante ang unang set sa 5-3 at patungo na ito sa mas maagang tagumpay sa second set, 2-0 .
Ngunit nagrally si Horsfall at mapagwagian ang sumunod na tatlong games para sa 3-2 abante na nakuha pang nagtabla sa 4-4 sa break ni Horsfall.
Matapos ang break na-ran out ng Canadian champion ang position sa 2-ball at nagmintis sa bola na nagbigay pag-asa kay Bustamante.
Nailigtas ni Bustamante ang 2-ball at gumawa naman ng 2-4 carom si Horsfall para makuha ang rack na nagpuwersa ng one game tie breaker para sa nakalaang $50,000 premyo.
Ngunit mas mas-werte pa rin ang Pinoy makaraang makuha ang lag at ma-ran out ang rack para sa tagumpay.