^

PSN Palaro

Pangunahing cue artists sali sa CBL

-
Ang kauna-unahang major billiard league sa bansa ang Corporate Billiards League ay itatanghal sa Agosto 16 kung saan ang mga tanyag na cue artists sa bansa ay maglalaban-laban para sa korona.

Naglalayon na palakasin ang billiards bilang pangunahing sports spectacle sa bansa, ito ay binuo ng Tanduay Distillers advertising manager Larry Li upang higit na palawakin at masubukan ang kaka-yahan ng mga pangunahing players sa bansa para sa kompetisyon na magbibigay ng P100,000 premyo.

Ang naturang event, na kumuha ng sponsorship sa Tanduay, ay may suporta din ng Hope ay sinunod sa alternating shots, alternating breaks format ng prestihiyosong Mosconi Cup na tinatampukan ng kampeonato sa pagitan ng Europe at United States noong nakaraang Disyembre.

"We’ve not just uplifting the lives of our topnotch billiard players here, CBL’s main goal it to develop more world class talents and just imagine the beauty of how these cue artists maneuver each shot as a team over live television," paliwanag ni Li nang maging panauhin ito sa PSA forum na itinataguyod ng Red Bull, Agfa Color at Pioneer Insurance sa Holiday Inn Manila Pavilion.

Ang television coverage ng NBL ay isasa-ere tuwing Sabado mula alas-8 hanggang 9 ng gabi sa National Broadcasting Network.

Ang walong partisipanteng koponan sa pangunahing pagtatanghal ay ang Tanduay, Imarflex, Hope, Dream Tv, Accel, Toby’s Nikon at Sky-flakes. Ang torneo ay gagana-pin sa Rommel’s Billiards at Robinson Galleria.

Pitong pangunahing Pinoy at isang Swede ang napiling team captains sa torneong may nakasigurong P10,000 sa 16 qualifiers.

Ito ay sina Marcos Chamat, Lee Van Corteza, Snooky Villanueva , Venancio Tanyo, Marlon Manalo, Al Ortega, Gaga Gabica, at Julie Falcon.

AGFA COLOR

AL ORTEGA

CORPORATE BILLIARDS LEAGUE

DREAM TV

GAGA GABICA

HOLIDAY INN MANILA PAVILION

JULIE FALCON

LARRY LI

LEE VAN CORTEZA

MARCOS CHAMAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with