Paragua,Sanchez nagpakatatag
August 9, 2003 | 12:00am
Pinatatag nina Pinoy International Master Mark Callano Paragua at Joseph Catiwalaan Sanchez ang kanilang kampanya para sa titulo nang diniskaril ng mga Pinoy ang kanilang mga kalaban na nagpalapit din sa kanila na makuha ang inaambisyong grandmaster results sa X Championnat de Nice sa Grand Aston Hotel, Nice, France.
Nauna rito, nagkasundo rin sina Paragua at Sanchez na magtabla sa round 4 para kapwa naklikom ng tig 4.0 points at makisalo sa ika- 3 hanggang ika-11 puwesto at kahanay sina GM Vladimir Georgiev ng MKD, GM Milko Povchev ng Bulgaria, GM Bela Badea ng ROM, GM Nenad Sulava at IM Milan MRDJA ng Croatia, IM Benjamin Bujisho ng France at FIDE Master Igor Solomunovic ng BIH.
Natalo naman si Asian 3.2a Zonal champion International Master Ronald Titong Dableo kontra kay FM Solomunovic sa board 8 encounter.
Bago dito, tabla ang naganap sa pagitan nina IM Dableo at GM Sulava sa round 4.
Sa sixth round, haharapin ng 19 anyos Grandmaster candidate Paragua na may dehadong itim na piyesa kontra kay GM Milkov sa board 3 matches.
Habang puting piyesa naman ang 32 anyos Philippine Navy mainstay IM Sanchez kontra kay GM Sulava sa board 5.
Pipilitin naman ng dating pambato ng San Sebas-tian College na si IM Dableo na makabalik sa kontensiyon na tangan ang puting piyesa sa pakikipagduwelo kay Gabrielle Di Lazzaro ng Italy sa board 15.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended