^

PSN Palaro

Suwerte ni Paragua tuloy-tuloy

-
Binuksan ni Grandmaster-candidate Mark Callano Paragua (ELO 2500) ang kanyang kampanya nang magwagi ito at manguna sa liderato sa 164 field ng X Championnat de Nice sa Grand Hotel Aston sa Nice, France.

Gamit ang puting piyesa dinaig ng 5th seed na si Paragua, tinalo ng batang Pinoy si Mathieu Tournier (ELO 2180) ng France sa board 5.

"Sana ipagpatuloy ninyo po ang dasal sa amin nina Kuya Joseph at Kuya Ronald," anang XV Cannes International Open champion.

Bukod kay Paragua, nagwagi din sina Asian 3.2a zonal champion Grandmaster candidate Ronald Titong Dableo (ELO 2305) at 2003 Milano, Italy titlist IM Joseph Catiwalaan Sanchez (ELO 2410) sa kani-kanilang laban.

Hawak naman ang mapanganib na itim na piyesa, naungusan ng 32 anyos na Cebuanong manlalaro na si Sanchez si Christian Vallette (ELO 2140) ng France sa board 12.

Sa kabilang dako, ipinalasap naman ng 24 anyos na Pinoy IM na si Dableo ang kabiguan sa kalaban ding Pranses na si Eric Andre-Birens (ELO 2112) sa board 18.

Ang panalo ay nagdala sa taltong Pinoy na magsosyo sa 1.0 puntos bawat isa upang magkatabla sa first hanggang 21st place kasama sina GM Igor Miladinovic ng Greece, GM Vladimir Georgiev ng MKD, GM Nikola Mitkov ng FRM, GM Petar Genov at GM Milko Povchev ng Bulgaria, GM Davor Komjlenovic ng Croatia, IM Marc Leski at IM Benjamin Bujisho ng France, IM Milan MRDJA ng Croatia, IM Ognan Todorov ng Bulgaria, FM Dennis Bucher at FM Fabricio Patuzzo ng Switzerland, FM Yves Lamorelle, FM Igor Solomunovic, Flavio Perez Robert Vullermoz, Francisco Calva-canti at Sebastien Gachet ng France.

Sa ikalawang araw ng aksiyon, makakaharap ni Dableo sa ikatlong pagkakataon ang kababayang si Paragua sa board 5 habang makikipagtagisan ng talino si Sanchez kay Flavio Perez (ELO 2222) ng France sa board 10.

Unang nagkaharap sina Paragua at Dableo sa Asian 3.2a zonal chessfest sa Ho Chi Minh City sa Vietnam na sinundan kamakailan lamang sa XV Cannes Open International sa France kung saan nagwagi si Paragua tungo sa pagkopo ng titulo.

"Nawa’y makopo na nila ang grandmaster results," ani NCFP player’s council head Eugene Torre kung saan ang naturang bansa ay hindi makakalimutan ni Torre dahil dito niya nakuha ang kanyang GM title at tanghalin kauna-unahang GM ng Asya noong 1974 Nice Chess Olympiad.

BENJAMIN BUJISHO

CANNES INTERNATIONAL OPEN

CANNES OPEN INTERNATIONAL

CHRISTIAN VALLETTE

CROATIA

DABLEO

DAVOR KOMJLENOVIC

DENNIS BUCHER

PARAGUA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with