Letran sasalo sa liderato
August 6, 2003 | 12:00am
Target ng Colegio de San Juan de Letran na saluhan sa liderato ang pahinga ngayong San Beda College sa pagppatuloy ng ikalawang round ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament sa Rizal Me-morial Coliseum.
Itoy magagawa ng CSJL sa pamamagitan ng panalo kontra sa Univer-sity of Perpetual Help Rizal sa alas-2:00 ng hapong sagupaan.
Nasa likod ng San Beda College na may 6-2 karta ang Letran na galing sa dalawang sunod na panalo sanhi ng 5-2 win-loss slate.
Sa ikalawang seniors game, magsasagupa naman ang defending champion San Sebastian College at ang Mapua Institute of Technology sa alas-4:00 ng hapon.
Ang SSC Stags ay galing sa 84-73 panalo kontra sa College of St. Benilde habang talunan naman ang MIT Cardinals sa kanilang huling asignatura laban sa SBC Red Lions, 85-82 noon ding July 25.
Sa juniors division, maghaharap naman ang Letran Squires at ang UPHR Altalletes sa alas-11:30 ng umaga habang ang SSC Staglets at ang MIT Red Robins ay magpapang-abot sa alas-6:00 ng gabi. (CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended