Ang Yonsei University mula sa South Korea ang kalaban ng Express sa alas-5:00 ng hapon ha-bang ang Magnolia-Jilin Yi Qi ng China naman ang asignatura ng SMBeer sa alas-7:30 ng gabi.
Parehong wala pang panalo ng Yonsei-Korea at Magnolia-Jilin matapos ang dalawang laro ngunit may natitira pang gahiblang pag-asang makapasok sa crossover semifinals.
Titiyakin naman ng FedEx at San Miguel na tuluyan nang mabura ang pag-asang ito na hudyat ng pagbabalot ng mga Koreano at Tsino pauwi sa kanilang bansa.
Samantala, ang tagumpay ng Express at SMB na may 1-1 record sa Group A at Group B ayon sa pagkakasunod, ang magpapahigpit ng kanilang kapit sa konten-siyon.
Kumpara sa Beermen, mas delikado ang kalagayan ng Express dahil nakapuwesto na sa top-two positions na uusad sa semifinal round ang Red Bull at Talk N Text bunga ng kanilang malinis na 2-0 win-loss slate.
Kung masisibak ng Express at San Miguel ang kalaban, tanging ang Novi Sad-Yugoslavia na lamang ang may pag-asa sa $20,000 na itinaya ng PBA para sa mag-tsa-champion na foreign team.
Ngunit tila malilibre na ang PBA sa premyo dahil 0-2 na rin ang mga Yugoslavian at halos talsik na sa kontensiyon. (Ulat ni CVOchoa)