Si Tuan, Yen Hsing sa tunay na buhay kasama ang Taiwanese quintet ay nakatakdang makipaglaban kontra sa Purefoods, Ginebra, Shell, RP-Cebuana Lhuillier team at RP-Air21 Youth 20-under sa seryeng itataguyod ng tinaguriang basketball godfather na si Bert Lina na siya ring susundo sa Taiwanese team sa kanilang pagdating ngayon.
"Im sure it will be an exciting friendly series," ani Lina. "The Taiwanese are slowly becoming as one of the powerhouse teams in the region and it will definitely be a learning process for them and for our Filipino teams as well."
Siyam sa manlalaro ng Taiwans 15-man roster ay naglaro sa Asiad kasama na sina Yen, ang basketball superstar na bukod sa isang aktor ay miyembro din ng boy band na 5566 na mahigpit na karibal ng isa pang grupo na F4 ng sikat na Meteor Garden.
Ang mga beteranong Asian Gamers ay sina Lee Chi-Yi, Chen Chi-Chung, Tseng Wen-Ting, Wu Chih-Wei, Yang Yu-Ming, Tien Lei, Chiu Chi-Yi, at Ho Shou-Cheng na sasamahan ng bagong dagdag na sina Chen Hui, Tang Tse-Yi, Hung Chi-Chao, Wu Tai-Hao, Lin Chih-Chien at Wu Chih-Yuan.