Kasi nga, kahit na sabihin pang hindi naman national team ng China ang nakasagupa nila, abay mas matatangkad na di hamak ang mga ito at mas beterano. At siyempre, sa larong yon ay nakataya din ang national pride. Kumbagay RP versus China na ang nangyari.
Kaya naman tuwang-tuwa ang nakapanood sa panalong iyon ng tropa ni coach Aric del Rosario. At natural na may nagsabing okay lang na hindi na hintayin pa ni del Rosario ang mga manlalarong ipinagdadamot ng University Athletic Association of the Philippines. Kahit naman pala wala ang mga iyon ay puwede ding manalo ang RP Team.
At sinabi nga ni del Rosario na malamang na ang kasalukuyang komposisyon ng Philippine Team ang siyang ipadala na lamang sa SEABA at sa ABC. At pusibleng hindi na rin nila hintayin ang mga UAAP players para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Disyembre kahit pa available na ang mga ito. Kasi nga, magiging unfair iyon para sa kasalukuyang manlalaro.
Na siyang tama!
Kinakantiyawan nga ng ilang sportswriters si Nelson Beltran ng Philippine Star at sinasabing kahit na ang Star Group na nagkampeon sa nagdaang Coke Light Invitationals ay puwede na ring manalo sa SEA Games, e. Bakit pa kukunin ang mga manlalaro sa UAAP?
Sa tutoo lang, kahit na sikat na liga ang UAAP, malaking kawalan sa kanila image-wise ang hindi pagpapahiram ng players sa RP Team. Kahit paanoy maraming ibat ibang negative na opinyon ang lumalabas hinggil sa desisyon nilang iyon.
Hindi nga bat sa eskuwelahan, lalung-lalo na yung sectarian, ay itinuturo sa mag-aaral na mahalin ang Diyos at ang bayan? For God and country, ika nga! Mukhang yung mismong nagtuturo nito ang siyang hindi naniniwala sa itinuturo nila!
O baka naman sa elementary level lamang itinuturo iyon at pagdating ng higher level ay hinahayaan nang makalimutan ito ng mga mag-aaral.
Hindi yata ganoon ang edukasyon, e. Dapat ay hindi nakakalimutan ang pundasyon at nadaragdagan na lamang ang lahat ng kaalaman habang tumataas ang antas. Hindi dapat nabubura ang mga dati nang nalalaman.
Hindi pa tapos ang kabanatang ito bagamat tanggap na ni del Rosario ang katotohanang hindi na lalaro sa RP Team ang mga UAAP players. Maganda na nga ang nagyaring iyon, e. Kasi full blast na ang magiging preparasyon ni del Rosario at total concentration naman ang makukuha niya sa kasalukuyang line-up.