^

PSN Palaro

PAG-AHON MULA SA DILIM

Game Na ! - Bill Velasco -
Nayanig ang buong mundo ng basketbol nang kumalat ang balita: si Jimwell Torion, gumamit ng shabu. Ang Cebuano point guard na naging instrumento sa dalawang sunod na kampeonato ng Batang Red Bull Thunder, nahuling tumikim ng ipinagbabawal na gamot. Noong maglaro ang Red Bull sa kanyang lalawigang Cebu, pinasubukan siya nito ng isang inaakala niyang kaibigan. Sabit.

Ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon, isinasalaysay ni Jimwell sa Pilipino Star Ngayon ang mga pinagdaanan niyang paghihirap sa rehabilitation, kung saan naisama siya sa mga palagiang gumagamit ng drugs.

"Yung na-experience ko sa rehab yung pakikisama," bungad niya. "At saka yung pasensiya, yung ugali ng pakikisama sa isa't isa. Hindi ko makalimutan, meeting kami ng meeting. Kahit bumabagyo, nagmiting kami. Wala kaming service, kaya nag-commute lang ako.'

Habang nililinis ni Jimwell ang katawan, maging isipan niya ay ibinago na rin niya. Naisip niya ang magiging epekto sa mga mahal niya sa buhay, lalo na sa sarili niyang pagkatao.

"Nung nandoon ako sa rehab, naisip ko lang yung career ko at saka yung family ko kung hindi ako nag-rehab," maluha-luha niyang naalala. "Kawawa yung family ko at saka ako, siyempre. Para sa akin din 'tong pumasok ako sa rehab."

Nang mawala siya sa PBA, nagmakaawa siya sa Batang Red Bull na gamitin siya, kahit bilang practice player lang. Nagsumikap siya para pagkatiwalaan siyang muli, at nag-apela siya sa liga na bigyan siya ng pagkakataon.

"Expected ko na makakapaglaro ako sa second conference pa," salaysay ni Torion. "Lahat ng hirap, pinagdaanan ko. Pero buo ang loob ko na makakabalik ako agad."

Di mapigil ang tuwa ni Torion nang malaman niyang makakabalik siya sa Invitational Cup. Ngayong nakaahon na siya sa dilim, pinapayuhan niya ang mga kasamahan niyang huwag magpadala sa tukso.

"Masasabi ko lang sa kapwa players ko, kung mag-isip kayong gawin yung ginawa ko, huwag na lang. Magdurusa kayo, yung family ninyo. Lahat, hindi na magtitiwala sa inyo. Buti sa akin, kahit nagkamali ako, tinulungan pa rin ako ng management namin. Kayo rin ang kawawa."

Hindi lahat ay binibigyan ng pangalawang pagkakataon. Alam iyan ni Jimwell Torion.

AKO

ANG CEBUANO

BATANG RED BULL

BATANG RED BULL THUNDER

INVITATIONAL CUP

JIMWELL

JIMWELL TORION

SIYA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with