Letran, Jose Rizal nais uling sumosyo sa pamumuno
July 30, 2003 | 12:00am
Nais ng Colegio de San Juan de Letran at Jose Rizal University na muling makisalo sa pamumuno sa pamamagitan ng kanilang tagumpay sa magkahiwalay na laro sa pagpapatuloy ngayon ng aksiyon sa NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Makakasagupa ng Knights ang Philippine Christian University sa alas-2:00 ng hapon habang ang inaalat na Univer-sity of Perpetual Help Rizal naman ang makakaharap ng JRU Heavy Bombers sa alas-6:00 ng gabi.
Kapwa nag-iingat ng 4-2 record ang Knights at Jose Rizal sa likod ng kasalukuyang lider na San Beda College (5-2) na walang laro ngayon.
Nais ng Knights na masundan ang kanilang 68-66 panalo kontra sa Perpetual noong nakaraang July 23 habang nais naman ng Bombers na makabawi sa 69-63 pagkatalo sa PCU Dolphins.
Ang naturang panalo ng Philippine Christian ay ang ikalawang sunod na nag-angat sa kanila sa 3-3 record.
Sa likod ng defending champion San Sebastian College at Mapua Institute of Technology na may 4-3 kartada.
Nais naman ng UPHR Altas na makabangon sa kanilang apat na sunod na kabiguan na nagbagsak ng kanilang record sa 2-4.
Sa juniors division, bubuksan ng Letran Squires at PCU Baby Dolphins ang aksiyon sa alas-11:00 ng umaga habang ang UPHR Altalletes at JRU Light Bombers naman ang maghaharap sa alas-4:00 ng hapon. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended