Matatandaan na unang idinaos ang nasabing meet sa Marikina City may 29-taon na ang nakakaraan kung saan ito ay kilala bilang 4As (Asian Amateur Athletics Association) at ang pangulo nito ay ang yumao at dating Philippine Olympic Committee head at Surigao Gov. Jose Sering.
Inaasahan na ang ika-15th edisyon ng nasabing trackfest ay hahakot ng mas malaking bilang ng mga kalahok na gaganapin sa Manila sa ikatlong pagkakataon. Ang ikalawang edisyon ng tournament na ito na idinaos sa Manila ay may 10-taon na ang nakakaraan sa ilalim ng pamamahala ni PATAFA chief Go Teng Kok.
Aabot sa mahigit 1,000 elite athletes mula sa 40 Asian countries ang inaasahang maglalaban-laban para sa karangalan. Bukod sa malaking bilang ng lahok, dadalo rin ang malaking bilang ng matataas na tao na kinabibilangan ng miyembro ng royalty, diplomatic corps at parliament ang dadalo sa Asian Congress sa September 19.
Bagong dagdag sa listahan ng mga kalahok ang Kazakshtan at Turk-menistan--dating Russian Republics at Hongkong. Ang Kazakhs ay nagpadala ng 33 atleta, 13 naman sa Turkmenistan at 7 sa dating Crown Colony.
Itinakda ang huling araw ng pagpapatala ng ng mga lahok sa Sep-tember 1.
Sa kasalukuyan, ang powerhouse China at India ang siyang magpa-padala ng pinakamalaking bilang ng delegasyon na may tig-70 katao, sunod ang Qatar na may 69, Saudi Arabia na may 58 at Korea na may 41.
Maliban sa Thailand, Cambodia at 2003 SEA Games host Vietnam, ang lahat ng Southeast Asian members ay nagsumite na ng kani-kanilang entries. Ang Singapore ang siyang may pinakamalaking bilang na 36, sumunod ang Indonesia 28, Malaysia 21, Brunei 7, Myanmar 3 at Laos 3.