^

PSN Palaro

2nd Lina Cup di-dribol ngayon sa Cebu City

-
Nakatakdang magtagisan na ng lakas ang mga manlalaro na may taas anim na pulgada sa pagsisimula ngayon ng 2nd Bert Lina Cup-Six Footers Junior Basketball League sa Cebu City Coliseum .

Tampok na panauhin sa nasabing opening ceremonies si Air21 Chairman Bert Lina na siyang pasimuno ng nasabing tournament, na para lamang sa 18-anyos pababa at may taas na anim na pulgada pataas, ang maghahagis ng ceremonial toss na aasistihan ni Air21 vice president Beng Pangan at Sen. John Osmeña.

Dadalo rin sa nasabing opening rites sina Vice Mayor Michael Rama, Councilor Jack Jakosalem at Air21 Sports Marketing Manager Allan Gregorio sa cagefest na ito na suportado ng Air21 at Smart kung saan ang Mail &More ang siyang minor sponsor.

Umaasa ang defending champion Talk N Text na mapalawig ang kanilang winning ways dito sa pag-asinta ng ikalawang sunod na Lina Cup title sa kanilang pagsagupa sa juniors Purefoods TJ Hotdogs sa alas-5:30 ng hapon.

Nauna rito, maghaharap naman ang John-O at Samsung sa alas-2:30 bilang pampagana bago susunod ang engkuwentro sa pagitan ng Youth For Roco at Timex sa alas-4.

Ipinagdiinan din ni Lina ang mga manlalarong may taas na 6-foot na na-trained na lumaro bilang point guard ay maaaring lumipat sa power forward o center role.

"This is the best way to do it," ani Lina. "If we can revolu-tionize the way basketball is played through this 6-footers league, then we are in the right direction."

Matapos ang Cebu leg, ang Six-Footers league ay may planong umusad sa Mindanao. Ang champions at runner-up sa bawat Luzon, Visayas at Mindanao legs ay maghaha-rap naman sa Grand Finals.

BENG PANGAN

BERT LINA CUP-SIX FOOTERS JUNIOR BASKETBALL LEAGUE

CEBU CITY COLISEUM

CHAIRMAN BERT LINA

COUNCILOR JACK JAKOSALEM

GRAND FINALS

JOHN OSME

LINA CUP

MINDANAO

SPORTS MARKETING MANAGER ALLAN GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with