^

PSN Palaro

FEU Tamaraws pinigil ng UST Tigers

-
Pinigilan ng University of Santo Tomas ang malaking paghahabol ng Far Eastern University upang hatakin ang 51-45 panalo sa UAAP men’s basketball tournament sa Ateneo gym kahapon.

Itinala ng defending champion Ateneo de Manila University ang kanilang ikalawang sunod na panalo nang kanilang hugutin ang 63-57 panalo kontra sa National University sa unang laro.

Ang kabiguan ay una sa apat na laro ng Tamaraws na kaunahan na naglagay sa ikalawang puwesto at iwan sa walang larong De La Salle University ang pangkalahatang pamumuno taglay ang 3-0 record.

Umiskor ng pitong mahahalagang puntos si Derrick Hubalde sa kan-yang 8-puntos na produksiyon sa ikaapat na quarter upang iangat ang UST Tigers sa 2-2 karta.

Umangat ng 12-puntos ang Santo Tomas sa ikatlong quarter, 38-26 ngunit unti-unti itong naupos nang dumikit ang Far Eastern sa 44-46.

Umiskor si Hubalde ng dalawang freethrows upang ilayo ang Tigers sa 48-44. Umiskor ng split si Arwin Santos para sa FEU, 45-48, 59 segundo pa.

Ngunit buhat dito’y di na naka-iskor ang Tamaraws habang naka-split naman si Hubalde at dalawang freethrows si Jemal Vizcarra para masiguro ang tagumpay ng Uste.

Umangat ang Ateneo Blue Eagles sa 2-2 win-loss slate habang bumag-sak naman sa 1-3 panalo-talo ang NU Bulldogs.

Sa juniors division, walang awang inilampaso ng Ateneo Blu Eaglets ang NU Bullpups para sa 108-25 masaker sa unang laro. (Ulat ni CVOchoa)

ARWIN SANTOS

ATENEO

ATENEO BLU EAGLETS

ATENEO BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

DERRICK HUBALDE

FAR EASTERN

FAR EASTERN UNIVERSITY

HUBALDE

UMISKOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with