^

PSN Palaro

SMC binubulungan ni FPJ sa kaso ni Hawkins

-
Malamang na malutas na ang kaso ni Bong Hawkins nang itakda ng PBA Board ang isang pulong sa Lunes para pag-usapan ito.

Ang kaso ay tungkol sa playing contract ni Hawkins na idinulog sa PBA board makaraang iapela ng FedEx na baligtarin ng PBA Commissioner’s Office ang desisyon na nagsasabing dapat na tuparin ang obligasyon kay Hawkins sa loob ng dalawang taon bagamat hindi na ito naglalaro.

At kung hindi magkakasundo ang Board magkakaroon ng botohan para madesisyunan kaagad,

Kailangan ng 2/3 na boto para makuha ni Hawkins ang sagot ng Board. Balitang nilalakad ng action king na si Fernando Poe Jr. na lumapit kay Danding Cojuangco ng San Miguel Corporation, na may ari ng apat na koponan sa PBA sakaling magkaroon ng botohan ng mga miyembro.

Si Hawkins ay inaanak ni FPJ na malapit naman kay Cojuangco.

Sa kaugnay na balita, tuluyang nang hindi makakalaro sa buong season si Danny Seigle ng San Miguel Beer.

Si Seigle, pangunahing manlalaro ng Beermen at miyembro ng PBA-RP team sa Busan Asian Games ay nasa injury list.

Nagtamo ng achilles tendon at hanggang sa kasalukuyan ay nagpapagamot pa. (Ulat ni

vuukle comment

BALITANG

BONG HAWKINS

BUSAN ASIAN GAMES

DANDING COJUANGCO

DANNY SEIGLE

FERNANDO POE JR.

SAN MIGUEL BEER

SAN MIGUEL CORPORATION

SI HAWKINS

SI SEIGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with