^

PSN Palaro

Red Lions, Cardinals nalo sa NCAA Basketball Tournament

-
Sumandig ang Mapua Cardinals sa kabayanihan ni Jefferson Gonzales nang tumapos ito ng 18 puntos upang trangkuhan ang Cardinals sa pagposte ng ikaapat na pana-lo makaraang pabagsakin ang College of St. Benilde Blazers, 83-63 sa pagpapatuloy ng NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coli-seum, kahapon.

Humatak rin si Gonzales ng tig-apat na rebounds, assists at block upang tabunan ang pagkawala ng key player ng Cardinals na si Ryan Malig na hindi naasahan ng Intramuros-based ca-gers dahil sa pagkakaroon nito ng lagnat.

Bagamat binalikat ni Gonzales ang opensa ng Cardinals, umagaw rin ng eksena sina Jeffrey Martin at Nathaniel Cruz sa kaagahan ng laro nang magpakitang gilas ang dalawang ito at palakasin ang kampanya ng MIT sa susunod na round na nasa ikalawang puwesto.

Sa ikalawang laro, gaya ng dapat asahan, muling ginamit ng San Beda College ang kanilang bilis upang tapusin ang paghahabol ng de-fending champion San Sebastian College at kanila itong yanigin sa bisa ng 80-69.

Ang panalo ng Mendiola-based dribblers ay naghatid rin sa kanila sa pakikisalo sa ikalawang puwesto matapos na iposte ang 4-2 win loss record sa likod ng lider na Jose Rizal U.

Sa junior division, pinarisan ng MIT Red Robins ang tagumpay ng kanilang senior counterpart nang kanilang igupo ang La Salle-Greenhills, 68-57.

Nagtagumpay rin ang Red Cubs sa SSC-Staglets nang kanila itong silatin sa iskor na 80-69. (Ulat ni Maribeth Repizo)

COLLEGE OF ST. BENILDE BLAZERS

GONZALES

JEFFERSON GONZALES

JEFFREY MARTIN

JOSE RIZAL U

LA SALLE-GREENHILLS

MAPUA CARDINALS

MARIBETH REPIZO

NATHANIEL CRUZ

RED CUBS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with