PBA Mabuhay Cup balik-aksyon
July 16, 2003 | 12:00am
Magpapatuloy ngayon ang karera para sa huling slot sa 2nd Conference Asian Invitationals sa Cuneta Astrodome.
Nakatakdang magsagupa ang Shell Velocity at Sta. Lucia Realty sa alas-5:00 ng hapon habang ang Alaska Aces at Purefoods TJ Hotdogs naman ang magsasagupa sa ikalawang laro, alas-7:30 ng gabi.
Hangad ng Alaska at Sta. Lucia na makubra ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa single round mini tournament na ito na makakasama ng limang teams na nakakuha ng automatic slots, tatlong Asian Teams at ang RP Team na nagtre-training para sa Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre.
Pasok na ang Red Bull, Talk N Text, Coca-Cola, San Miguel at FedEx sa susunod na kumperensiya kung saan inimbitahan ang mga teams mula sa Yugoslavia, China at Korea.
Ang Shell ay may pag-asa pa sa pinaglalabanang 10th slot dahil sa kanilang 1-1 win-loss record at kailangan nilang ma-sweep ang huling dalawang asignatura.
Ang Purefoods ay talsik na sa kontensiyon matapos malasap ang kabiguan sa dalawang laro dahil ang magta-top na team sa mini tournament na ito ay magtatapos ng 4-0 o 3-1 record at 2-2 na lamang ang kani-lang pinakamagandang pagtatapos. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended