Cruz, nanalasa sa Samsung Best of the Best
July 15, 2003 | 12:00am
Winalis ni Six-time South-east Asian Games finweight gold medalist Roberto Cruz ang kanyang dalawang senior mens matches kahapon upang umusad sa semifinals sa panimula ng Samsung Best of the Best Taekwondo Championships sa Glorietta Activity sa Makati City.
Tinalo ng 30 anyos na si Cruz si Mandy del Rosario, 6-0, at isinunod si Hector Arellano, 4-0 sa kanilang quarterfinal clash.
Nakisosyo sa eksena ang isa pang National jin na si bantamweight JR Rivero nang magtala ito ng pinakamabilis na panalo, isang 30 second knockout kay Gilbert Labio sa quarterfinals.
Bunga nito naisaayos ng 21 anyos na si Rivero, KL SEAG bronze medalist ang semifinal na pagtatagpo sa dating national junior pool member na si Andre Alfie Ablaza.
Umusad din sa semis sina finweight Michael Velo, Carlos Padilla, Michael Buliyat, fly-weight Ostacio Soliven, Reymar Aringo, Danrey Velo at Arnold Oglayon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended