Umangat ang SBC Red Lions sa 1-2 record na nakabawi sa Colegio de San Juan de Letran at Jose Rizal Univer-sity, 69-63 at 104-75 ayon sa pagkakasunod.
Pinangunahan ni Jerome Paterno ang San Beda sa paghakot ng 20-puntos at limang rebounds upang ipalasap sa Perpetual ang kanilang ikalawang sunod na talo.
Humataw ang Bedans sa ikatlong quarter sa paghakot ng 34-puntos kumpara sa 19 lamang ng UPHR Altas upang kunin ang 17-puntos na kalamangan papasok sa ikaapat na quarter.
Nagbida si 62 forward Mike Apepe sa naturang yugto nang kumunekta ito ng tatlong tres upang ibangon ang Red Lions mula sa 40-41 deficit patungo sa 49-41 kalamangan.
Sa ikaapat na quarter, pinagtulungan nina Paterno, Arjun Cordero at Ronnie Bughao ang 17-8 salvo para sa 26-puntos na kalamangan 86-60, 4:31 na lamang ang oras sa laro.