^

PSN Palaro

SSC Stags babawi

-
Makabawi sa nakaraang pagkatalo ang hangad ng defending champion San Sebastian College sa kanilang pakikipagharap sa Philippine Christian University sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa NCAA men’s basketball tourna-ment.

Nakatakdang sagupain ng SSC Stags ang PCU Dolphins sa alas-4:00 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum pagkatapos ng engkuwentro ng College of St. Benilde at Colegio de San Juan de Letran sa unang seniors game, dakong alas-2:00 ng hapon.

Matapos manalo noong opening, nalasap ng San Sebastian ang 65-72 pagkatalo kontra sa University of Perpetual Help Rizal na kasaluku-yang kasosyo ng MIT sa liderato sa 2-1 win-loss record.

Di tulad ng Baste, mataas naman ang morale ng Dolphins na sasagupa sa Stags, matapos nilang maungusan ang CSB Blazers sa 69-68.

Ang kabiguang ito ng St. Benilde ang nagbagsak sa kanila sa 0-2 win-loss record habang ang Letran Knights, San Sebastian at PCU ay nagtataglay ng 1-1 kartada.

Hangad namang masundan ng Letran ang kanilang 69-63 pamama-yani kontra sa San Beda.

Sa juniors division, magsasagupa naman ang La Salle Greenies at Letran Squires sa unang sultada ng apat na larong nakatakda ngayon, sa alas-11:30 ng umaga.

Ang SSC Staglets at PCU Baby Dolphins naman ang magtatapos ng aksiyon sa ikaapat at huling laro sa alas-6:00 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF ST. BENILDE

LA SALLE GREENIES

LETRAN

LETRAN KNIGHTS

LETRAN SQUIRES

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with