Red Lions binomba ng JRU
July 8, 2003 | 12:00am
Inilampaso ng Jose Rizal University ang San Beda College, 104-75 sa NCAA-mens basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng JRU Heavy Bombers matapos ang 91-77 pamamayani kontra sa Mapua Institute of Technology na lumukob sa kanilang 77-81 kabiguan noong opening day laban sa defending champion San Sebastian College.
"Halos four years ko nang tinatalo ang San Beda eh. Kahit sa Father Martins Cup tinatalo namin sila," pahayag ni coach Boy de Vera.
Bunga ng kabiguang ito, bumagsak ang Bedans sa 1-2 win-loss record.
Pinangunahan ni Marco Fajardo ang Bombers sa kanyang paghakot ng 20-puntos kasunod ni Wynsjohn Te na may 14 para sa Jose Rizal na umabante ng 32-puntos sa 100-68.
"Sobrang ganda ng inilaro ng mga bata both from offensive and defen-sive end," wika pa ni De Vera.
Ang panalong ito ay kanilang paghihiganti sa 56-86 pagkatalo ng kanilang junior counterparts na Light Bombers kontra sa SSC Staglets.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended