^

PSN Palaro

Ginebra yuko s SLR

-
Humataw sina Dennis Espino at Francis Adriano upang ihatid ang Sta. Lucia sa 100-92 panalo kontra sa Barangay Ginebra upang kubrahin ang kanilang unang panalo sa Mabuhay Cup sa Araneta Coliseum.

Tumapos si Espino ng 28 puntos at 23 naman kay Adriano para sa Realtors na nakahanay na sa Shell na may isang panalo na rin sa single round mini tournament na ito kung saan ang top team ay makakasama sa 10-team Asian Invitationals.

Nasayang ang pagsisikap ni Mark Caguioa na isalba ang Ginebra nang humataw ito ng 15-puntos sa kanyang tinapos na 27 sa ikaapat na quarter.

"May advantage ang Ginebra because they had much more time preparing for this qualifier," ani Alfrancis Chua, coach ng Sta. Lucia.

Kahit parehong may injury, naglaro pa rin sina Paulo Mendoza at Kenneth Duremdes at ito’y malaking tulong sa Realtors.

Tabla ang iskor sa 46-all sa pagtatapos ng first half ngunit nang mag-init si Adriano, umabante ang Sta. Lucia sa 76-61 at di na muling lumingon pa.

Bagong player ang isinalang ng Sta. Lucia na kapalit ni Cris Tan, na di na makakalaro sa buong season dahil sa injury, sa katauhan ni Paeng Santos na umiskor ng apat na triples sa first half.

Kasama sa second conference ang Red Bull, Talk 'N Text, Coca-Cola, San Miguel at FedEx bukod pa sa tatlong foreign teams at ang RP men’s team na naghahanda para sa Vietnam Southeast Asian Games.

Samantala, nasorpresa ang lahat sa pagdalaw ng First Family sa PBA kahapon.

Kasama ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang kauna-unahang pangulo ng bansa na nanood ng PBA games, ang kanyang asawang si First Gentleman Mike Arroyo at anak na si Luli.

ADRIANO

ALFRANCIS CHUA

ARANETA COLISEUM

ASIAN INVITATIONALS

BARANGAY GINEBRA

CRIS TAN

DENNIS ESPINO

FIRST FAMILY

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

FRANCIS ADRIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with