Dolphins lusot sa Blazers
July 5, 2003 | 12:00am
Sinilat ng University of Perpetual Help-Rizal ang defending champion San Sebastian College nang itala nito ang 72-65 panalo at hawakan ang liderato sa pagpapatuloy ng 79th NCAA basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Pinangunahan ni Dominador Javier ang pananalasa ng Altas nang umiskor ito ng kabuuang 22 puntos.
Isang tres sa huling 2 minuto ng laro ang nagpalawig sa abante ng Altas, 71-64.
Nagtulong sina Khiel Misa at Marcel Cuenco para sa 5-0 run nang Altas at mula sa 61-62 pagkakabaon ay nakuha ang trangko 66-62 may 6:26 pa ang nalalabi sa fourth quarter.
Ngunit hindi nawalan ng lakas ng loob ang Stags at nang humirit si Michael Gonzales para muling ilapit ang iskor sa 64-66.
Hindi nagpabaya ang Altas nang muling ilayo ang benthae sa 71-64 may 2:28 na lang ang nalalabing oras sa laro.
Umiskor ng tig-22 puntos sina Cuenco at Javier.
Sa isa pang seniors game, nakalusot ang Philippine Christian University sa tang-kang rally ng College of St. Benilde para sa 69-68 tagum-pay.
Ito ang unang panalo ng Dolphins sa dalawang asignatura habang nanatiling walang panalo ang Blazers.
Abante na sa 68-61 patungo sa huling tatlong minuto ng laban, napigil ng Blazers ang Dolphins sa isang puntos lamang.
Ngunit umiskor ng dalawang mahahalagang free-throws si Aldrin Guiyab para sa marginal points ng kanyang team. Bagamat nagtala lamang ng 8 puntos si Guiyab, humataw naman ito ng 19 rebounds para sa kanyang impresibong pagdadala sa Dolphins.
Nagkaroon ng tsansa ang CSB na maagaw ang laro ngunit nagmintis ang three-point shot ni Al Magpayo kasabay ng final buzzer.
Natabunan naman ng SSC Staglets ang kabiguan ng kanilang seniors nang magwagi sila sa UPHR Altalettes, 97-64.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended