Tatakbo na ang Manila Marathon
June 22, 2003 | 12:00am
Mahigit sa 20,000 runners ang magtipon-tipon sa starting line sa pagbubukas ng bukang liwayway ngayon kung saan walang iba kundi si Manila Mayor Lito Atienza ang siyang magpapakawala sa kanila para sa isang pinakamalaking karera sa bansa ang unang Manila Marathon.
Inaasahang makakasama ni Atienza sa starting line sa Luneta section ng Roxas Blvd. ang mga opisyales ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni chairman Eric Buhain at iba pang Manila officials.
Dadalo rin si Arnold Ali Atienza, chairman ng Manila Sports Council na siyang co-organized ng naturang karera kasama ang Manila Sports Foundation para pakawalan rin ang mga runners na maglalaban-laban sa limang kategorya.
Pakakawalan ang 42K kung saan lalahukan ito ng mga mahuhusay na runners sa bansa na kinabibilangan ng mga miyembro ng national team sa alas-5 ng umaga, habang ang karera para sa 10K, 5K at 3K ay sisimulan sa alas-6.
Inaasahang ang mga national runners na sina Roy Vence, Allan Ballester at Crisanto Canillo at ang No. 2 sa womens side na si Flordeliza Cachero ang siyang magdo-domina sa centerpiece 42K na may sanction mula sa Philippine Amateur Track and Field Association, isa sa qualifying races at trials para sa 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong Disyembre.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am