Titulo ng Hapee itinadhana kay Baculi
June 21, 2003 | 12:00am
Si coach Junel Baculi ang nagbigay sa Hapee Toothpaste ng kanilang unang titulo noong 1996 sa Import Reinforced Conference sa tulong ni Ma Jian.
Umalis ito at lumipat sa Welcoat na kanyang binigyan naman ng apat na korona.
Nagbalik ito sa kanyang pinagmulang team at para kumpletuhin ang kanyang homecoming, nakopo ng kanyang tropa ang titulo sa Sunkist-PBL Unity Cup.
"Weve really longing for a championship," wika ni Baculi na mayroon na ngayong anim na PBL titles. "And this is much sweeter than 1996 because this is All-Filipino and our win came off a very close game."
Si Baculi ang ikalawang winning coach sa likod ni Alfrancis Chua na may pito para sa Tanduay Rhum at Stag Pale Pilsen sa ilalim ng La-Tondeña franchise.
Umabot sa deciding Game-Five ang Best-of-Five championship series kontra sa Viva Mineral Water bago tuluyang nakopo ng Teeth Spark-lers ang titulo sa 3-2 panalo-talo kamakalawa.
At para kay Baculi ang puso ng kanyang mga players ang nagbigay sa kanila ng lakas para harapin ang matinding hamong ibinigay ng Water Force.
"Its all about heart," ani Baculi. "What can I ask for? The boys played their heart out at hindi sila bumitaw to the very end ng laban."
Pinuri ni Baculi si Allan Salangsang, ang tinanghal na Most Valuable Player ng Finals. "Allan Salangsang, very consistent. He was a big help for us to win this title," ani Baculi na di rin naman isinantabi ang naging kontribusyon ni Peter June Simon at ng iba pang miyembro ng koponan.
"Lumabas talaga yung tunay na character ng mga bata. Hindi sila kasi sumuko," wika ni Baculi. "Viva had a big heart too because they are worthy opponent. But players and management made it possible for us."
Ayon kay Baculi magiging intact pa rin ang kanilang team at sa katunayan ay lalo pang lalakas sa pagpasok nina Paolo Bugia at Magnum Membrere. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended