Haharapin ng Ozamiz ang Pampanga Bulls sa alas-5 ng hapon, habang titipanin ng Cebuanos ang host Forward Taguig sa alas-7 ng gabi sa tourney na ito na suportado ng Tanduay Rhum, Air Philippines, Cebu Ferries, Panasonic, Natures Spring Water, Supercat, BJ Star Logistics, Gatorade, The Freeman at Molten basketballs.
Hinugot ng Ozamiz ang dating Davao Eagles na si David Cabrera para mapa-lakas ang kanilang backcourt, habang asinta naman ng Cebuanos na makakuha ng shooter at malaking tao upang mas lalo pang palakasin ang kanilang roosters.
Samantala, tinanghal naman ang prolific guard ng MayniLA na si Ernani Epondulan bilang NBLs Player of the Week.
Nagtala si Epondulan ng 22 puntos, humatak ng limang rebounds at isang steal nang hiyain ng MayniLA ang Spring Cooking Oil, 72-70. Nagposte rin si Epondulan ng 19 puntos at tatlong steals sa itinalang 70-69 tagumpay ng kanyang koponan kontra Taguig.
Tinalo ni Epondulan sina Leo Vilar ng Taguig at Welihado Duyag ng Pampanga para sa lingguhang award.