^

PSN Palaro

Red Bull Barako vs Phil.Star sa finals

-
Itinakda ng host Philippine Star at Red Bull Barako ang kanilang winner-take-all championship match makaraang igupo ang kani-kanilang kalaban sa magkahiwalay na laro sa Coke Light Invitational Basketball Championships sa Meralco gym.

Pinatunayan ng Starmen na kaya nilang muling ibaon ang CAR Inc. nang payukurin nila ito sa iskor na 93-68, habang hindi naman nasustinahan ng PLDT ang kanilang mahigpit na depensa kontra sa Barako at lasapin ang 77-81 kabiguan.

Bumangon sa ikaapat na quarter ang Barako upang wakasan ang pananalasa ng PLDT at nakalamang hanggang sa ikatlong quarter.

Nagpakawala ng 11 puntos si Francis Raushmayer sa kanyang kabuuang 24 puntos sa ikaapat na canto tungo sa kanilang tagumpay.

Sa kabilang dako, nanguna naman para sa Phil. Star si Ver Roque sa kanyang kinamadang 15 puntos habang nag-ambag din ng double digit scores sina Jonjon De Guzman (11), Chris dela Cruz (10), Alfred Bartolome (10) at Rene Recto (10).

Naging mabigat naman para sa PLDT ang pagkawala ni Josel Angeles na nabali ang kanang kamay nang maitukod ito sa kanyang pagbagsak.

Tumirada ng 15 puntos ang Fil-Am na si Jeremy Anicete ngunit hindi naging sapat na magandang inilaro ng kapwa niya Fil-Am na si Raushmayer.

ALFRED BARTOLOME

BARAKO

COKE LIGHT INVITATIONAL BASKETBALL CHAMPIONSHIPS

FIL-AM

FRANCIS RAUSHMAYER

JEREMY ANICETE

JONJON DE GUZMAN

JOSEL ANGELES

PHILIPPINE STAR

RED BULL BARAKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with