Ang tubong-Cagayan na si Gabito ay tumalon ng 6.39m sa kanyang ikaanim at final attempt ngunit nabigo na malagpasan ang 6.48m na marka ni Yelena Kochsheyeva ng Kazakhstan sa ikatlong pagkakataon sa naturang event.
Ang isa pang Pinay long jumper na si Maristella Torres , silver medal winner sa unang leg sa Hyderabad, India, ay tumalon lamang ng 6.29m at mabigo sa local hometown bet na si Rittiwat Watcharee na sumungkit ng bronze medal.
Bunga ng panalong ito, tumanggap si Gabito ng halagang $1,500 at idagdag sa una niyang nakuhang $1,500 matapos ang tatlong panimula.
Ang gold ay nagkakahalaga ng $3,000 at $500 naman sa bronze.
"Hindi na masama kung ang premyo lang ang pag-uusapan. Pero parang hirap makuha ang rhythm ko. I will try my best sa Manila," ani Gabito.