^

PSN Palaro

Coca-Cola vs Ginebra

-
Magsisimula ang single round quarterfinals ng PBA-Samsung All-Filipino Cup para paglabanan ng walong teams ang apat na semifinal seats.

Bubuksan ng defending champion Coca-Cola at Barangay Ginebra ang aksiyon sa alas-5:00 ng hapon sa Araneta Coliseum at susundan naman ito ng engkuwentro ng Red Bull at Talk N Text sa alas-7:30 ng gabi.

Kung kailan pa naman mas mahigpit na ang kompetisyon, saka pa naman nawalan ng malalakas na players ang Ginebra at Red Bull.

Hindi makakasama ng Ginebra si Jun Limpot habang di rin naman makakapaglaro si Davonn Harp para sa Thunder dahil kasama ang dalawang players na ito na pinatawan ng indefinite suspension matapos bumagsak sa drug test.

Nauna nang nawala sa line-up ng Gin Kings si Alex Crisano at si Jimwell Torion sa Red Bull na naging positibo rin sa ipinagbabawal na gamot.

Dalawang players din ang nawala sa panig ng Phone Pals na sina Noli Locsin at Angelo David na bumagsak din sa drug test matapos mauna nang masuspinde si Norman Gonzales na naging positibo naman sa Ecstacy.

Dagdag pa sa kanilang malaking pagdurusa ang walang katiyakang kondisyon ni Mark Caguioa na nagkaroon ng sprained ankle sa kani-lang do-or-die game laban sa Shell kaya hindi ito nakalaro sa All-Star game.

Ito ay isang malaking bentahe para sa Tigers na pangungunahan naman nina Rudy Hatfield, Jeffrey Cariaso at Rafi Reavis.

Sa pagkawala nina Harp at Torion, mabigat na responsibilidad naman ang nakaatang kina Lordy Tugade, Mick Pennisi, Homer Se at veteran Vince Hizon.

Ang tambalang Asi Taulava at rookie Jimmy Alapag naman ang sa-sandalan ng Talk N Text sa kanilang laro ngayon. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ALEX CRISANO

ANGELO DAVID

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

CARMELA V

DAVONN HARP

NAMAN

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with