^

PSN Palaro

Kampanya ni Eala sa drugs suportado ng FedEx pero...

-
Inihayag kahapon ni FedEx team owner at Air21 chairman Bert Lina ang ang kanilang all-out support sa programa ni PBA Commissioner Noli Eala kontra sa drug abuse, ngunit nilinaw din niya na ang prob-lema ay nasa testing procedure at hindi ang policy nito.

"There is no question about the PBA’s drug policy. I know every team in the league wants the drug menace eradicated," ani Lina.

"But the mere fact that some quarters are questioning the way the tests are handled and announced, means there are loopholes in the procedures," dagdag pa ng Air21 Chairman. "There is an opportunity to improve and correct the system and we must take advantage of that."

Ang laban ni Lina kontra sa drug abuse ay hindi lamang limitado sa PBA teams, kundi naging pre-requisite din sa lahat ng kanyang kompanya. Maging ang Air21 Tour Pilipinas, na kanyang inorganisa at sinuportahan ay sumailalim din sa drug test, maging ang 84 na siklistang lumahok.

Sinabi niya na ang lahat ng PBA teams ay sumusuporta sa programa ni Eala na maging drug-free ang liga.

Sa kaso ni Jimwell Torion ng Red Bull, sinabi ni Lina na agad nitong inamin ang kanyang pagkakamali.

"Noon, walang uproar because the offenders admitted to their misdemeanor. But in the case of (Jun) Limpot and even our very own player in Ryan Bernardo, who are swearing to high heavens of their innocence, baka naman they are really not guilty. Pababayaan na lang ba natin sila na maparusahan? What I’m asking is what shall we do to find out the truth? If we review the procedures, then we might find the answers," ani Lina.

BERT LINA

COMMISSIONER NOLI EALA

DRUG

EALA

JIMWELL TORION

RED BULL

RYAN BERNARDO

TOUR PILIPINAS

WHAT I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with