^

PSN Palaro

PATAFA, may papel sa Manila Marathon

-
Malaking papel ang nakatakdang gampanan ng national governing body ng athetics sa darating na karera sa Hunyo 22 ang Manila Marathon kung saan ang nasabing event na inaasahang pinakamalaki ang isa sa magiging qualifying races ng mga miyembro ng national team para sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre.

"We are proud about the Manila Marathon playing a major role for this year’s SEA Games," wika ni Ali Atienza, chairman ng Manila Sports Council na siyang co-organizing ng naturang event kasama ang Manila Sports Foundation na binigyan ng sanction ni PATAFA chief Go Teng Kok.

Inaasahang sasabak ang mga national runners sa Manila Marathon na papakawalan ng umaga sa Hunyo 22 na dadaan sa mga pangunahin at makasaysayang daan, business at commercial district ng siyudad na magtatapos sa Quirino Grandstand.

Inaasahan rin na muling tatakbo ang top-ranked runner ng bansa na si Allan Ballester kasama ang reigning SEA Games champion na si Roy Vence at kapwa niya national na si Crisanto Canillo na hindi lang magpapakita ng kani-kanilang tikas para mapasama sa national squad at slot para sa Vietnam SEAG kundi para rin sa nakalaang P75,000 premyo.

Siguradong makakatikim si SEA Games champion Cristabel Martes ng mahigpit na laban kontra sa sumisikat na si Flordeliza Cachero para sa women’s purse na P50,000.

Isa pang national runner na si Eduardo Buenavista, na bagamat bihasa sa steeplechase at 10,000 meter specialist na kinukunsiderang magiging tinik sa Manila Marathon.

Tampok rin sa full 42.195-km race ang 10K, 5K at 3K na inaasahang lalahukan ng iba pang miyembro ng national athletics team, celebrities, media, VIPs government officials, executives at may kapansanan.

ALI ATIENZA

ALLAN BALLESTER

CRISANTO CANILLO

CRISTABEL MARTES

EDUARDO BUENAVISTA

FLORDELIZA CACHERO

GO TENG KOK

HUNYO

MANILA MARATHON

MANILA SPORTS COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with