Efren "Bata" Reyes, kampeon sa San Miguel 9-Ball Tour
June 2, 2003 | 12:00am
Naging magaan ang daan para kay Efren Bata Reyes nang tanghaling kampeon ito sa San Miguel Asian 9-Ball Tour - Manila leg na ginanap sa Pearl Plaza sa Parañaque City.
Simula pa lang sa unang sargo ay ipinakita ni Reyes ang kanyang tikas para sa 11-2 pamamayani kay Kiamco at ibulsa ang halagang US$20,000.
Nakuntento na lamang si Kiamco sa pagiging runner-up, sa halagang US$10,000 at higit sa lahat ang karapatang makasama sa World Pool Championships na gaganapin sa Cardiff, Wales sa July.
Nauna rito, Ipinakita ng mga Pinoy cue artists na sina Reyes at Kiamco na hindi sila dapat mapahiya sa kanilang mga kababayan sa sariling balwarte ng kapwa umusad sa finals makaraang gapiin ang kani-kanilang kalaban
Mapait na ginapi ni Reyes ang kababayang si Antonio Lining, 9-4 para umusad sa semis at makaharap naman South Korean na si Shin Young Park.
Una rito, umakyat sa quarterfinals ang Korean nang pabagsakin niya ang Chinese-Taipei player na si Fong Pang Chao 9-4.
Magaang tinalo ni Reyes, ang Koreanong si Park 11-3 sa kanilang race-to-11 match.
Sa kabilang dako, dumaan muna sa butas ng karayom si Kiamco bago maigupo si Kun Fang Lee ng Chinese-Taipei, sa kanilang race-to-11 match na umabot ng 13 bago tuluyang makakuha ang 13-11 iskor na panalo.
Dikit na dikit na lamang ang sargohan ng dalawa at halos hindi makalayo sa isang puntos na nagdala sa kanilang race-to-11sa race-to-13 dahil kailangan dalawang puntos ang mamagitan sa magwawagi.
Dalawang Filipino at isang Taiwanese sina Reyes, world no. 3 Francisco Django Bustamante at dating world ppol champion Chao Fong Pang ng Taipei ang seeded para sa World Pool championships habang ang sampung pangunahing finishers sa Tour na ito ay nakakasiguro ng slot sa naturang torneo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest