^

PSN Palaro

Kahit malakas ang Crispa lalaban pa rin kami - Jawo

-
Siniguro kahapon ni Senator Robert Jaworski na kahit nakakalamang sa kanila ang kalabang koponan na Crispa Redmanizers sa kanilang one game tournament na gaganapin sa Mayp 30 sa Araneta Coliseum ay lalaban ng ‘pukpukan’ ang kanilang Toyota Tamaraws.

Ayon kay Sen. Jaworski, muli siyang maglalaro bilang point-guard sa 1-game tourney laban sa Crispa kung saan ay muli niyang makaka-sama ang dating mga teammate sa Toyota.

Aniya, nakakalungkot isipin na hindi na makakasama sa 1-game special event na ito si Arnie Tuadles dahil sa napaslang ito ni Ambet Antonio may 8-9 taon na ang nakakaraan.

Hindi din makakasama ng ‘The Living Legend’ ng PBA sa muling paghaharap ng Crispa at Toyota ang mga dating kasamahan na sina Francis Arnaiz at Abe King na kapwa nasa Estados Unidos.

Idinagdag pa ni Jaworski, inaasahan niyang mas malakas sa Toyota Tamaraws ang Crispa Redmanizers dahil sa puspusan ang pag-eensayo nito para sa kanilang Mayo 30 showdown.

Kabilang sa mga makakasama ni Jaworski na maglalaro para sa Toyota Tamaraws ay sina Rudy Segura, Ed Camus, Mon Fernandez, Oscar Rocha, Boy Clarino, Ed Cordero, Chito Loyzaga, Terry Saldana, Nick Bulaong at Romy Marcelo.

Ang orihinal na coach ng Toyota Tamaraw na si Dante Silverio ang magiging coach pa rin ng team habang ang orihinal naman ng Crispa na si Baby Dalupan ang mangangalaga sa Redmanizers.

"I am aware that Crispa is still practicing and I admit that they have the edge but what is important is to see each other again in the hard court after several years," wika pa ni Jaworski.

Kabilang naman sa mga maglalaro para sa Crispa Redmanizers sa nasabing 1-game event sina Atoy Co, Bogs Adornado, Abet Guida-ben, dating San Juan Vice-Mayor Philip Cesar, Bernie Fabiosa, Caloocan City Vice-Mayor Tito Varela at iba pang orihinal players ng Redmanizers. (Ulat ni Rudy Andal)

ABE KING

ABET GUIDA

AMBET ANTONIO

ARANETA COLISEUM

ARNIE TUADLES

ATOY CO

CRISPA

CRISPA REDMANIZERS

JAWORSKI

TOYOTA TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with