Huling tiket sa Asian Invitationals asam ng Coke
May 23, 2003 | 12:00am
Hangad ng defending champion Coca-Cola na maisubi ang panalong magbibigay sa kanila ng ticket para sa susunod na kumperensiya.
Isang ticket na lamang ang natitira sa limang awtomatikong slots na ipagkakaloob sa top-five team para sa Asian Invitationals.
Hinahabol din ito ng Sta. Lucia Realty na kahit papaanoy may kaunting pag-asa pa tulad ng Alaska.
Kaya naman krusyal ang kanilang laban ngayon sa Makati Coliseum sa ikalawang laro, alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng non-bearing game ng San Miguel Beer at FedEx sa alas-5:00 ng hapon.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Tigers na may 9-7 record, sa kanilang huling dalawang larong natitira para makubra ang ikalima at huling automatic slot sa Asian Invitationals.
Sa kabilang dako, kahit manalo ang Realtors sa larong ito hindi pa rin sila siguradong makakasama sa susunod na kumperensiya dahil kailangang matalo ang Tigers sa FedEx sa Mayo 28.
Kung mabibigo ang Sta. Lucia, makakasama nila ang iba pang kopo-nang dadaan sa round robin mini-tournament kung saan manggagaling ang ikaanim na koponang makakasama sa susunod na kumperensiya gayundin ang apat na Asian countries.
Kung magtatagumpay ang Tigers, makakasama nila ang San Miguel, FedEx, Red Bull at Talk N Text.
Isang team na lamang ang hinihintay sa quarterfinal round at ito ay mababatid sa Linggo sa do-or-die game ng Shell at Ginebra para sa huling slot sa Group B para makasama ang Thunder, Phone Pals at Coca-Cola. Sa Group A, ang quarterfinal cast ay ang SMBeer, Express, Sta. Lucia at Alaska. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest