Sa Crispa-Toyota Reunion Game: Mas mainit na intensidad inaasahan

Biniro ng commissioner at tinawag silang ‘lolo’. Pero huwag kayong padadala sa birong ito.

At kung may paraan lamang si Atoy Co na paghiwalayin ang uri ng paglalaro ngayon sa PBA sa nakaraan, ang reunion match sa pagitan ng mahigpit na magkaribal na Crispa at Toyota sa Mayo 30 ay tila isang koleksiyon lamang ng mga ‘mahihina at matatanda na nakasuot ng mahigpit na tank tops at maikling shorts.

"Ang game namin noon, maraming tirahan. Pag magaling ka, titirahin," anang tinaguriang "Fortune Cookie" ng PBA, isa sa celebrated premiter gunners ng liga.

At ang pagdadala ni Commissioner Noli Eala sa dalawang koponan muli para makihalubilo sa court ay magsisilbing pampagana para sa All-Star weekend.

"The whole reason is we want to merge the past with the present. We want to show the basketball public the type of rivalry that existed between both teams. It’s been talked about a lot. Now is the time to actually see it," ani Eala na pabirong tinawag ang mga manlalaro na "lolo’ ng liga.

"If it weren’t for these guys, the league won’t be there," mabilis niyang buwelta.

At nananabik na ang mga players na lumaro sa court. Katunayan, idiniin nila na ang one-game affair na ito ay magpapakita ng mas mainit na intensidad dahil wala naman sa kanila ang masususpindi.

"Puwedeng maging friendly game ‘yan or puwedeng bakbakan," ani Oscar Rocha.

"Pag kalaban ang Crispa, nabubuhay ang dugo ng Toyota. Nag-iiba ang intensity. Kung titingnan mo, friendly game, pero sa court, iba ang nangyayari," anaman ni Orly Bauzon.

Kung babasahin, ang pagsasama-sama ng Crispa na sina Co, Philip Cezar, Freddie Hubalde, Bogs Adornado, na pawang mga dating MVP winners ng liga, masasabing malakas ang Redmanizers. Ngunit gagawin ng Toyota ang lahat ng kanilang makakaya lalo na’t kasama pa si Senator Robert Jaworski.

"Eh noong araw nakaka-intimidate na ‘yan kasi Big J siya, lalo pa ngayong senador na siya," wika ni Co.

Ngunit hindi rin makakapayag ang Crispa at gagawin din ang lahat para manalo.

Show comments