Nangako si World Golf League chairman Charlie "Caloy" Bathan ng Sta. Teresita, Batangas na susuporta sa karerang nakatakda sa Hunyo 13 bilang pag-alala sa taunang kapistahan ng Barangay Bungahin sa Cuenca, Batangas na inorganisa ni Pepe Chavez, isa sa director ng Philippine National Cycling Association.
Bukod kay Bathan, nangako din ng suporta kay dating Barangay Bungahan Barangay Captain na si Chavez sina Air21 chairman Bert Lina at president Lito Alvarez, ang taong nasa likuran ng matagumpay na pagbabalik ng tour at si Janno Marasigan.
Susuporta din sa isang araw na karera sina Aglo Martinez, Antonio Cruz ng Wesscor Corp., Pagcor Sports Director Luis Carlos, Wilson Young ng Tanduay, Bowling Gold, Mayor Aramnad Sanchez, Ceunca mayor Enrique Comia at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Gov. Hermilado Mandanas ng Batangas.