"Palitan si Caidic Movement", Kung mahal mo ang team ng Ginebra, ipasa mo ito para makarating sa La Tondeña management. At iligtas ang PBA."
Hindi ko yan ipinasa dahil hindi ako naniniwalang si Caidic ang problema ng Ginebra.
Naniniwala akong may isa silang player na siyang dahilan kung bakit di sila makausad.
Kapag nawala ang player na yan sa line-up ng Ginebra, makakaangat na rin ang team na ito.
May dala-dalang bad karma ang player na yan at nadadamay lahat sa team.
Kapag nananalo ang team, ang mga players ang bida.
Matagal nang perception yan ng mga basketball fans hindi lang sa PBA kundi sa iba pa ring mga liga.
Ang hindi nakikita ng mga fans, yung mga players na sumisira sa team.
Yan ang laging problema ng mga coaches kahit saan.
Sa tingin ko, yan din ang malaking problema ni Caidic at ng Ginebra San Miguel team.
Si Guevarra ay nasa ikaapat na taon niya as a Cardinal at ngayong siya na ang captain ball, nararamdaman na niya ang napakalaking challenge sa kanyang pagiging basketball player.
Last year ay hindi nakapasok sa Top 4 ang Cardinals pero ngayong taon na ito, umaasa si Christian na mararating nila iyon.
"Maganda ang samahan ng team namin at okay naman ang takbo namin kaya I hope we can get there and hopefully, the championship. May lima kaming rookies na sa ngayon eh naga-adjust pa lang with the rest of the team pero sa tingin ko, by the time na magsimula na ang NCAA, they would have fully adjusted. I really hope that we can put up a good fight this year against the other teams," sabi ni Christian.
Si Christian ay fourth year civil engineering student na sa MIT.
Abangan yan sa NCAA 2003 season na magbubukas na sa June 28.