Talk N Text quarterfinalist na
May 5, 2003 | 12:00am
Umiskor ang Fil-Tongan na si Paul Asi Taulava ng double-double upang trangkuhan ang Talk N Text sa pagkubra ng ikalimang dikit na panalo matapos na pabagsakin ang nagdedepensang kampeong Coca-Cola Tigers, 91-87 kagabi sa pagpapatuloy ng PBA All-Filipino Cup sa Araneta Coliseum.
Tumapos si Taulava ng 30 puntos, bukod pa ang 14 rebounds, anim na assists at 3 shot blocks upang ihatid ang Phone Pals sa quarterfinals sanhi ng kanilang 9-6 record sa Group B.
Ibinandera ng Phone Pals ang kanilang 56-50 abante mula sa basket ni Taulava sa huling limang minuto ng third quarter, bago pinalobo sa 70-66 sa pagtatapos ng naturang yugto ang naging sandigan ng tropa ni coach Joel Banal sa ikalimang dikit na panalo.
Isiniguro ni Taulava ang panalo ng Phone Pals sa kanyang ipinasok na anim na free throws sa huling 8.5 segundo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended