"Di ko akalain..."
May 4, 2003 | 12:00am
May mga pagkakamaling nagagawa ang tao na, kung minsan, di natin iisiping magagawa nila. Kung sa pagkakataong matisod sila'y masisira ang lahat ng kanilang pinagsikapan, bakit nila ilalagay sa panganib ang lahat?
Iyan ang nangyari kay Jimwell Torion ng Batang Red Bull. Matapos ang kanyang matagumpay na paglalaro laban sa Talk 'N Text sa kanyang kinalakihang Cebu, nayaya siyang magdiwang ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya akalain dahil doon, babaluktot ang diretso na niyang landas.
"Yung mga friends ko, nanood ng game ko," salaysay ni Jimwell. "Pinuntahan ako ng mga friends ko sa hotel, niyaya akong pumunta sa disco, sumama ako. Di ko alam na may kasama pala siyang ibang kasama niya sa bahay. Dinala ako doon, doon kami naggawa, tapos alis din agad. Tapos nag-disco."
Hindi ba niya naisip na malalaman na gumamit siya ng ipinagbabawal na gamot, at dahil doon, mawawala lahat ng pinagsikapan niya?
"Di ko naisip kasi galing kami sa panalo, tuwang-tuwa ako, di ko nakontrol yung sarili ko. Alam ko na makakasira yun sa career ko. Nadala ako sa tuwa."
Dahil sa natagpuan sa ihi ni Jimwell, suspindido siya ngayon, at walang kinikita. At hirap niya itong ipaliwanag sa kanyang anak, na sanay makitang babad sa laro ang ama.
"Unang-una, yung anak ko, kasi nakita niya na di na ako naglalaro, doon lang ako, siyempre, nalulungkot siya," pagpapatuloy ni Jimwell. "Pati yung asawa ko, iyak ng iyak nung una niyang nalaman, kasi alam nila na ako lang ang inaasahan nila."
Ngayon, naghihintay si Jimwell na tanggapin man lamang siya bilang practice player ng Red Bull, dahil wala na siyang ibang pagkakakitaan. At sinisisi niya ang nangyari sa dalawa nilang pagkatalo. Hindi niya rin matanggap na itinapon niya sa wala ang paghanga sa kanya ng madla.
"Sinira ko ang tiwala nila sa akin," pag-amin niya.
"Sana, pagbalik ko, suportahan pa rin ako, bigyan niyo pa rin ako ng isang chance pa. Di na mauulit."
Napakahirap kapag ang kinabukasan mo ay nasa kamay na ng ibang tao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended